^

PSN Palaro

UAAP Cheerdance competition 3-peat pakay ng NU Pep Squad

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

2 p.m.  UAAP Cheerdance

 

MANILA, Philippines - Sisikapin ng National University Pep Squad na mailinya ang sarili bilang ikatlong paaralan na naka-3-peat sa paglarga ng 78th UAAP cheerdance competition ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ito sa ganap na alas-2 ng hapon at inaasahang magpapakita ng bagong pagtatanghal ang NU para mapanatili ang titulong pinanalunan mula Season 76.

Ang UST Salinggawi Dance Troupe at host UP Pep Squad ang mga kopo­nan nakatatlong sunod na titulo mula nang sinimulan ito noong 1994.

May pinakamaraming tig-walong cheerdance titles ang UST at UP at tiyak na pareho silang magsusumikap para makatikim uli ng titulo sa nasabing kompetisyon.

Binibigyan ng puntos ng mga hurado ang pagsayaw bukod pa sa pagsasagawa ng tumbling, stunts, toss at pyramids.

Magkakaroon ang UP ng oportunidad na bigyan ng pressure ang ibang katunggali dahil sila ang u­nang magtatanghal. Kasunod ang La Salle Animo Squad, Ateneo Blue Babble Battalion, NU, UE Pep Squad, Adamson Pep Squad, FEU at UST.

Bukod sa NU ay magpupursigi rin ang FEU Tamaraws para manatili sa kanilang bakuran ang kampeonato sa group stunts category sa pangalawang sunod na taon.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON PEP SQUAD

ANG

ATENEO BLUE BABBLE BATTALION

LA SALLE ANIMO SQUAD

LARO NGAYON

MALL OF ASIA ARENA

NATIONAL UNIVERSITY PEP SQUAD

PASAY CITY

PEP SQUAD

SALINGGAWI DANCE TROUPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with