^

PSN Palaro

Lady Falcons lalapit sa korona vs Lady Maroons

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Rizal Memorial Diamond)

9 a.m.  Adamson vs UP (Finals)

MANILA, Philippines – Lalapit sa isang panalo tungo sa ikalimang sunod na titulo sa softball ang nais gawin ng Adamson Lady Falcons sa pagharap sa UP Lady Maroons sa pagsisimula ng finals ngayon sa Rizal Memorial Diamond.

Winalis ng Lady Falcons ang 12 laro sa elimination round upang magkaroon ng thrice-to-beat advantage sa championship round. Kapag nagwagi ang Adamson ngayon, kailangan pa nilang manaig sa Huwebes para opisyal na makamit ang ika-14 na kampeonato.

May 60-0 karta rin ang Adamson mula pa noong 2011 kaya’t determinado ang Lady Falcons na mapanatili ang winning run tungo sa ikalimang sunod na kampeonato sa liga.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na alas-9 ng umaga at bibitbitin ng Lady Falcons ang 8-1 at 7-0 panalo sa Lady Maroons sa dalawang pagtutuos.

“Hindi puwedeng ma­ging confident dahil alam natin ang UP na palaban talaga iyan. Kailangang gumana pa rin ang pitching at hitting namin,” ani  A­damson coach Ana Santiago na papasok sa laro mula sa 13-araw na pahinga.

Sa kabilang banda, ang Lady Maroons ay galing sa 9-1 panalo sa UST Tigresses sa sudden death sa semifinals para ipakita ang masidhing hangarin na makatikim uli ng titulo sa liga.

Noon pang 2008 huling humawak ng kampeonato ang koponan kaya’t asahan na pinaghahandaan ng Lady Maroons ang laba­nang ito.

“Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya. Paborito sila pero pahihirapan namin sila,” wika ni UP coach Kiko Diaz.

Ang softball na lang ang hinihintay na matapos para pormal na magsara ang 77th edisyon ng liga. (AT)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ANA SANTIAGO

KIKO DIAZ

LADY

LADY FALCONS

LADY MAROONS

LARO NGAYON

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with