^

PSN Palaro

Training ni Pacquiao paiigtingin na ni Roach

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iaakyat na ang pagsasanay na ginagawa kay Manny Pacquiao para sa kanyang mega-fight kontra kay Floyd Mayweather Jr. ngayon sa pagsisimula ng sparring sessions sa Wild Card Gym.

Dalawang sparmates ang isasalang ni trainer Freddie Roach para bigyan  ng matinding ensayo si Pacman upang tiyakin na nasa pinakamagandang  kondisyon ito sa Mayo 2 (Mayo 3 sa Pilipinas).

Ang isang sparmate ay si Kenneth Simms na may 5-0 karta habang ang isa ay si Rashidi Ellis na hindi pa natatalo matapos ang 14 laban.

May apat pa ang nakalinya para makipagbugbugan sa Pambansang kamao sa unang bugso ng sparring sessions.

Hindi lalampas sa limang rounds ang sparring na gagawin din sa Huwebes at Sabado. Ang araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ay para sa pagpapakondisyon ng katawan ni Pacquiao upang palakasin ang kanyang resistensya na mahalaga dahil plano nilang talunin si Mayweather sa bawat rounds ng kanilang tagisan sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Walang nakikitang problema si Pacquiao kung ilang rounds ang sparring na ipagagawa sa kanya dahil kondisyon ang kanyang pangangatawan na nauna nang nagsanay habang nasa bansa pa.

“I’m good. I feel very good and ready for the tougher road ahead of my preparation,” wika ni Pacquiao sa Philboxing.com.

vuukle comment

BIYERNES

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

GRAND ARENA

KENNETH SIMMS

LAS VEGAS

PACQUIAO

RASHIDI ELLIS

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with