^

PSN Palaro

Rodeo fever sumikad na sa Masbate

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalarga na sa Abril ang pinakaaabangang kompetisyon para malaman kung sino ang pinakamahusay na cowboy at cowgirl sa bansa.

Ang Rodeo Festival 2015 ay gagawin sa Masbate mula Abril  5 hanggang 19 pero ang National Rodeo Finals ay magsisimula mula Abril 14.

Ang taunang kompetis-yon ay inoorganisa ng Rodeo Masbateño Inc. (RMI) sa pangunguna ng pangulo ng RMI na si Judge Manuel Sese.

Noong Pebrero 12 pormal na inanunsyo ang aktibidades sa Capitol Football Ground sa Masbate City at sinamahan si Judge Sese nina Governor Rizalina Seachon at Mayor Rowena Tuason bukod sa kinatawan ng Filminera at DMCI.

Dito isinagawa ang pag­­lagda sa Memorandum of Agreeement (MOA) para matiyak ang pagtutulungan ng lahat tungo sa ika­tatagumpay ng Rodeo Festival.

Ipinakita rin dito ang official logo ng kompetisyon bukod sa paghahayag sa iba pang mga aktibidad na nakalinya para iselebra ang pestibal mula Abril 5.

Iniimbitahan si Sese ang lahat na mahilig sa rodeo, manonood man o partisipante, na tumungon sa Masbate para saksihan ang natatanging rodeo competition sa bansa.

vuukle comment

ABRIL

ANG RODEO FESTIVAL

CAPITOL FOOTBALL GROUND

GOVERNOR RIZALINA SEACHON

JUDGE MANUEL SESE

JUDGE SESE

MASBATE

MASBATE CITY

MAYOR ROWENA TUASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with