^

PSN Palaro

Bangungot ang dala ng 2014 kay Donaire

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang inakala na magandang taon para kay Nonito Donaire ay nauwi sa bangungot nang lasapin niya ang pinakamasamang pagkatalo sa kanyang bo­xing career sa 2014.

Itinaya ni Donaire ang kapapanalo pa lamang na WBA Super World fea­therweight title sa Jamaican boxer na si Nicholas Walters na ginawa noong Oktubre 18 sa StubHub Center, Carlson, California.

Mataas ang kumpiyansa ng “Filipino Flash” laban sa 28-anyos na si Walters na hindi pa natatalo matapos ang 24 laban at may 20 knockouts.

Ikinakatuwiran ni Donaire na ang mga naunang kalaban ni Walters ay hindi niya kalibre kaya’t buo ang paniniwalang mapapanatiling hawak ang kanyang pang-apat na world title.

Ngunit hindi ito ang nangyari dahil ginulpi siya ni Walters na siyang nagma-may-ari ng WBA World featherweight title.

Dalawang beses na bumagsak si Donaire sa ikatlo at ikaanim na rounds. Una pa ang mukha ni Donaire nang humalik sa lona sa ikalawang pagbagsak at kahit nagawa niyang tumayo bago makumpleto ay minabuti na ni referee Raul Caiz Jr. na itigil ang laban para sa kapakanan ng dating kampeon isang segundo bago matapos ang round.

Tila may senyales na hindi magiging maganda ang taon para kay Donaire dahil sa unang laban niya ay naging kontrobersya ang pagtatapos nito.

Si Simpiwe Vetyeka ang unang nilabanan ni Donaire noong Mayo 31 sa Cotai Arena sa Macau, China para sa WBA title.

Hindi natapos ang laban at sa fifth round ay itinigil ni referee Luis Pabon ang bakbakan dahil sa malaking sugat na tinamo ni Donaire sa kaliwang kilay bunga ng headbutt ni Vetyeka sa unang round.

Nauwi sa score cards ang laban at pinalad na pu­manig kay Donaire ang mga hurado para maagaw ang kampeonato.

Ang 32-anyos na naging kampeon din sa WBO super bantamweight, bantamweight at IBF/IBO flyweight divisions, ay may 33 panalo at tatlong talo sa 36 laban at pinag-aaralan pa ang susunod na hakbang para maibangon ang sarili sa 2015. (AT)

vuukle comment

COTAI ARENA

DONAIRE

FILIPINO FLASH

LABAN

LUIS PABON

NICHOLAS WALTERS

NONITO DONAIRE

RAUL CAIZ JR.

SI SIMPIWE VETYEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with