^

PSN Palaro

Prinsesa ng Thailand muling sasabak sa 17th Asian Games

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Itatampok ng Thailand team para sa 17th Asian Games ang isang tunay na Prinsesa na nagnanais na makakuha ng gintong medalya.

Kakatawanin ni Princess Sirivannavari Nariratana, ang apo ni King Bhumibol Adulyadej, ang Thailand sa equestrian event sakay ng kabayong Prince Charming.

Sumabak na ang 27-anyos na Prinsesa sa Asian Games ngunit sa ibang sport.

Siya ay miyembro ng Thai badminton team noong 2006 Games sa Doha, Qtar kung saan tinanggihan niya ang anumang special treatment sa pamamagitan ng pagtira sa athletes’ village.

Bagamat nangangabayo na noong bata pa, siner­yoso lamang si Princess Sirivannavari sa showjumping ilang taon na ang nakararaan habang nag-aaral ng fine arts at nagtatrabaho bilang isang fashion designer sa Paris.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BAGAMAT

DOHA

ITATAMPOK

KING BHUMIBOL ADULYADEJ

PRINCE CHARMING

PRINCESS SIRIVANNAVARI

PRINCESS SIRIVANNAVARI NARIRATANA

PRINSESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with