^

PSN Palaro

Ayaw na ni James sa Miami

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Handa si Le­Bron James na iwanan ang Miami kung ito ang ki­nakailangan para manalo siya ng NBA championship.

At ang susunod na mang­yayari ay hindi lamang nakasalalay sa Heat, kundi maging kina Dwyane Wade at Chris Bosh.

Sa pamamagitan ng kanyang agent, ipinabatid ni James sa Heat na hindi na niya tatapusin ang kanyang huling dalawang taon sa kontrata.

Ito ay para maging isa siyang free agent sa Hul­yo 1.

Maaari siyang pu­mir-­ma ng kontrata sa anu­mang NBA team, kasama ang Mia­mi, at inamin ni Heat President Pat Riley na ina­sahan na niyang sa­samantalahin ni James ang kanyang early termination option.

Pero naghanda na ang Heat para sa ganitong sitwasyon.

Sina James, Wade at Bosh ay lumagda ng mag­kakatulad na six-year contracts nang magsama sila sa Miami noong Hulyo ng 2010.

Ngunit ang naturang mga kontrata ay may nakakabit na opsyon para iwanan ang koponan nga­yong taon o sa 2015 para mabigyan ang mga players at koponan ng financial flexibility.

Si James - nagtala ng average na 27.1 points sa nakaraang season - ay mayroon pang $42.7 milyon sa kanyang huling dalawang seasons.

Ngunit maaaring maliit lamang ito kumpara sa maaari niyang tanggapin mula sa Heat o sa ibang NBA teams.

vuukle comment

BRON JAMES

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

HANDA

HEAT PRESIDENT PAT RILEY

NGUNIT

SHY

SI JAMES

SINA JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with