^

PSN Palaro

Gilas makakalaban si Toroman sa Wuhan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang dating Gilas coach na si Rajko Toroman ang mauupo bilang coach ng Jordan sa gaganaping 5th FIBA Asia Cup sa Wuhan, China mula Hulyo 11 hanggang 19.

Ang 59-anyos na si Toroman na siyang bumuo sa konsepto ng Gilas noong 2008, ang dumiskarte para sa Jordan nang winalis ang West Asia Basketball Association championships sa Amman.

Dalawang slot ang ibinigay sa West Asia at makakasama ng Jordan ang Iran. Ang iba pang kasali ay ang Pilipinas at Singapore mula South East Asia, Chinese Taipei at Japan mula East Asia at India mula South Asia.

Dalawang puwesto na lamang ang pinaglalabanan at ito ay para sa Central Asia at Gulf.

Ang Qatar, Bahrain at Saudi Arabia ang naglalaban-laban sa Gulf habang ang Kazakhstan at Uzbekistan ang pinagpipilian sa Central Asia.

Si Chot Reyes ang siyang hahawak sa Gilas at ibibigay niya ang 24-man line up sa organizers sa Hunyo 11. Ang Final 12 ay malalaman sa Hulyo 2.

 

vuukle comment

ANG FINAL

ANG QATAR

ASIA

ASIA CUP

CENTRAL ASIA

CHINESE TAIPEI

DALAWANG

EAST ASIA

HULYO

RAJKO TOROMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with