Perpetual Altas Spikers nag-courtesy call kay Tamayo
MANILA, Philippines — Matapos angkinin ang ‘four-peat’ sa paghahari sa NCAA Season 99 men’s volleyball tournament ay binisita ng Perpetual Altas Spikers si team owner Dr./BGen. Antonio L. Tamayo sa kanyang opisina.
Sinamahan nina multi-titled coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar at back-to-back MVP Louie Ramirez ang mga Altas Spikers sa courtesy call sa Chairman at CEO Founder ng University of Perpetual Help System Dalta at kay Perpetual Altas Athletes team manager Anton Tamayo.
Ipinakita nina Acaylar at Ramirez ang eleganteng NCAA Season 99 trophy sa mag-amang Tamayo na kanilang nakamit matapos walisin ang EAC Generals sa best-of-three championship series.
“It’s an honor to be able to play and bring honor to the entire Perpetualites, so this is all for you.” sabi ni Ramirez na iginiya ang Perpetual sa mga korona ng indoor volleyball sa Season 94, 98 at 99 at beach volleyball sa Season 98 at 99.
Nakamit ng Altas Spikers ang ika-14 titulo sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.
- Latest