T-Wolves nakaiwas sa sweep ng Mavs
DALLAS — Nakaiwas ang Minnesota Timberwolves sa pagwalis sa kanila ng Mavericks matapos agawin ang 105-100 panalo sa Game Four sa kanilang Western Conference finals series.
Hinugot ni Karl-Anthony Towns ang 20 sa kanyang 25 points sa second half para tulungan ang Minnesota na makadikit sa Dallas sa 1-3 sa best-of-seven showdown.
Kumolekta si Anthony Edwards ng 29 points, 10 rebounds at 9 assists para sa Timberwolves habang may 14 markers si Mike Conley at humakot si Rudy Gobert ng 13 points at 10 rebounds.
“Credit to our guys. They found a way to win the game. It was a lot like Games 1 and 2, and we were able to get it done tonight,” wika ni coach Chris Finch.
Nagposte si Luka Doncic ng 28 points, 15 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaanim na triple-double sa playoffs at may 16 markers si Kyrie Irving para sa Mavs.
Gagawin ang Game Five sa Minnesota bukas.
Bigo si Doncic na makumpleto ang kanyang four-point play sa huling 12 segundo para sa 100-103 agwat ng Mavericks kasunod ang basket ni Naz Reid para sa 105-100 abante ng Timberwolves sa huling 11 segundo.
- Latest