^

PSN Palaro

Semis puntirya ng Cavaliers, Patriots

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ang quarterfinals ng UNTV Cup Season 2 at balak ng AFP Cavaliers at Malacañang Patriots ang umabante na sa susunod na yugto  kung manalo sa kanilang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaban ng Cavaliers  ang Senate Defenders sa unang laro sa alas-2 ng hapon bago sumalang ang Patriots kontra sa MMDA Black Wolves sa alas-4.

Isang panalo lamang ang kailangan ng AFP at Malacañang dahil inokupahan nila ang ikatlo at apat na puwesto matapos ang second round elimination.

Ang PNP Responders na hindi natalo matapos ang pitong laro at ang nagdedepensang kampeon Judiciary Magis ay dumi­retso na sa Final Four ma­tapos okupahan ang unang dalawang puwesto.

Balikatan ang inaasa­hang magaganap sa dalawang laro na ito at dahil hindi basta-basta bibigay ang Defenders at Black Wol­ves.

Si dating PBA MVP Kenneth Duremdes ang ti­yak na magpapasakit ng ulo sa Cavaliers na sasandal kina Alvin Zuñiga, Winston Sergio at Jeffrey Quiambao.

Sa kabilang banda, ang mahusay na si Jeff San­ders ang paghuhugu­tan ng lakas ng MMDA para makahirit ng do-or-die game sa Patriots na pamumunuan ni Jenskin Mesina.

 

vuukle comment

ALVIN ZU

BLACK WOL

BLACK WOLVES

CUP SEASON

FINAL FOUR

JEFF SAN

JEFFREY QUIAMBAO

JENSKIN MESINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with