^

PSN Palaro

Energy Cola vs Bolts; Beermen kontra Aces sa PBA Governor’s Cup, unahan sa buwenamanong panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong araw ay papagitna naman ang 2014 PBA Governor’s Cup.

Bubuksan ng Meralco at Barako Bull ang kani-ka­nilang kampanya sa pang alas-3 ng hapon ni­lang banggaan kasunod ang sal­pukan ng San Mi­guel Beer at Alaska sa alas-5:15 sa Smart Araneta Co­­liseum.

Sa Mayo 21 naman si­simulan ng San Mig Coffee Mixers, nagkampeon sa 2014 PBA Philippine Cup at sa katatapos na Commissioner’s Cup, ang pag­dedepensa nila sa Go­vernors’ Cup laban sa Ba­rako Bull.

Itatampok ng Meralco si NBA veteran Terrence Williams, habang itatapat ng Barako Bull si Eric Wise na anak ni dating PBA reinforcement Francois Wise.

Ang 6-foot-5 na si Francois Wise ay minsang umiskor ng 74 points sa PBA para sa Tanduay no­ong Agosto 10, 1983.

Ang 210-pound na si Williams ay nagposte ng mga career averages na 7.1 points, 3.6 rebounds at 2.4 assists sa 153 laro at apat na seasons niya sa NBA.

Kumampanya si Williams sa NBA para sa New Jersey Nets (ngayon ay Brooklyn Nets), Houston Rockets, Sacramento King at Boston Celtics.

Sa nakaraang season ng NBA D-League ay nahirang si Williams, ang  No. 11 overall pick ng Nets no­ong 2009, bilang Player of the Month para sa Los Angeles D-Fenders, ang farm league ng LA Lakers.

Nagtala siya ng mga averages na 21.5 points, 6.1 assists at 4.8 rebounds noong buwan ng Enero para sa L.A. D-Fenders.

Sa 110-103 panalo ng Meralco laban sa Alaska sa kanilang tune-up game ay nagsalpak si Williams ng 10 three-point shots para tumapos na may 37 points.

Samantala, ibabandera naman ng Beermen si Reg­gie Williams laban sa Aces na pamumunuan ni Bill Walker.

Si Walker ay pinagmulta ni PBA Commissioner Chito Salud ng P20,000 dahil sa pagsuntok sa sikmura ni two-time MVP Danny Il­defonso ng Meralco sa ka­nilang tune-up game.

 

vuukle comment

BARAKO BULL

BILL WALKER

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

COMMISSIONER CHITO SALUD

DANNY IL

FRANCOIS WISE

MERALCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with