^

PSN Palaro

Porzingis gusting lumaro sa Game 3

Pilipino Star Ngayon
Porzingis gusting lumaro sa Game 3
Kris­taps Porzingis
STAR/File

DALLAS — Sinabi ni Boston Celtics’ center Kris­taps Porzingis na determinado siyang maglaro sa Game Three ng NBA Finals bagama’t nagkaroon ng isang “rare injury” sa kanyang left leg sa Game Two.

Gusto kasi ng 7-foot-2 big man na ibaon ang Ma­vericks sa 3-0 sa kanilang best-of-seven cham­pionship series palapit sa kauna-unahan niyang NBA crown.

“I’ve been through some stuff in my career, and obviously this is a rough patch coming back and having something happen right away again. It’s tough ... just a tough moment right now,” ani Porzingis.

Dinalawahan ng Boston ang Dallas sa kanilang balwarte para palakasin ang tsansang makopo ang ika-18 NBA championship na babasag sa kanilang pagkakatabla sa Los A­ngeles Lakers.

Isa si Porzingis sa mga inaasahang makakatuwang nina Jayson Tatum at Jaylen Brown para maisakatuparan ang kanilang pangarap.

Nauna nang nagkaroon si Porzingis ng calf strain injury sa second quarter ng Game Four ng first-round series ng Celtics at Miami Heat.

Sa Game One ng NBA Finals lamang siya muling nakapaglaro matapos ang halos dalawang buwan.

“We’ve taken the decision to play out of his hands. ... He’s going to do everything he can to play. We’re going to leave it up to our medical team. That’s really it,” pahayag ni oston coach Joe Mazzulla kay Porzingis.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with