^

PSN Palaro

Gilas kakasa sa tuneup games bago ang FIBA OQT

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanang tuneup games ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas bago sumabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na hahataw sa Hulyo sa RIga, Latvia.

Sasailalim muna sa ma­tinding ensayo ang Gilas sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna bago umalis ng bansa.

Magsisimula ang ensayo sa Hunyo 21.

Base sa plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, matapos ang training camp sa Laguna, aalis ang tropa para sumalang sa tuneup game sa Hunyo 27 sa Turkey.

Maliban sa tuneup game kontra sa Turkey, ilang European teams din ang makakasagupa ng Gilas bago sumalang sa Olympic quailifiers.

Nais ni Gilas head coach Tim Cone na makatuneup ang mga European teams upang makabisado ang mga galaw nito lalo pa’t European teams din ang makakasagupa ng Pinoy squad sa qualifiers.

Magkakasama sa Group A ang Pilipinas, Latvia at Georgia habang nasa Group B naman ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Sa unang panayam kay Cone, kailangan nitong makakuha ng panalo sa group stage para lumakas ang pag-asa nito sa Paris Games spot.

“If we can beat one of those two teams (Latvia and Georgia), that means we can compete in the crossover. That’s kind of our feeling,” ani Cone.

Ayaw ni Cone na magpasindak sa mga makakalaban nila sa Olympic qualifiers dahil naniniwala itong walang imposible.

Babanderahan ang Gilas ni naturalized player Justin Brownlee.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
2 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with