^

PSN Palaro

KIA, NLEX, Ever Bilena pasok sa PBA!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasok na bilang mga bagong koponan sa Philippine Basketball Association ang KIA, NLEX, at Ever Bilena matapos aprubahan ng PBA board ang kanilang mga aplikasyon ngayong Huwebes.

Inanunsyo ng official Twitter account ng pinakamatandang liga sa Asya ang pagkakaapruba sa tatlong koponan.

Matagal nang miyembro ng PBA D-League ang NLEX at Ever Bilena, habang ang KIA ay matagal na ring major sponsor sa malalaking sporting events sa mundo kabilang ang NBA.

Ang NLEX ang pangatlong team na pagmamay-ari ng business tycoon na si Manny V. Pangililan kasama ang Talk n Text at Meralco.

Inaasahang makakasama ang tatlong bagong koponan sa 2014-2015 season ng PBA na magsisimula bago magtapos ang taon.

vuukle comment

ASYA

D-LEAGUE

EVER BILENA

HUWEBES

INAASAHANG

INANUNSYO

MANNY V

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

TWITTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with