^

PSN Palaro

Pacquiao naglaro ng chess at darts sa kanyang bahay

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES – Matapos ang mabigat na araw sa gym ay nagrelaks naman si Manny Pacquiao sa kanyang tahanan dito sa Larchmont Park.

Binuksan ni Pacquiao ang pintuan ng kanyang $2 million residence sa kanyang mga kaibigan.

Pagsapit ng hapunan ay mayroon nang 70 bisita sa loob ng kanyang bahay.

Sa main dining table ay may mga chess matches at sa loob naman ng kanyang garahe ay may nangyayaring mini-darts tournament.

Ang sala ay pinasisikip ng isang higanteng plasma TV na nakasabit sa kulay abuhing pader kung saan ipina­palabas ang Final Four match sa pagitan ng Kentucky at Wisconsin.

Ang ibang bisita ay nasa kusina, samantalang ang mga hindi matagalan ang lamig ng panahon ay nasa bu­kana ng tahanan na tila binabantayan ang Ferrari ng Filipino boxing icon.

Naglaro si Pacquiao ng ilang chess matches kina sports scribes Winchell Campos at Roy Luarca kung san siya nakapagtala ng isang win at isang draw.

Tinatapos na ni Pacquiao ang laro para sa kanyang panalo nang kumanta siya ng ilang linya ng pamosong com­mercial, “Wala pa ring tatalo sa Alaska.”

 â€œKanina pa ako naglalaro” sabi ni Pacquiao bago iwa­nan ang lamesa. 

Matapos ito ay naglaro naman siya ng darts.

 â€œDito naman tayo,” ani Pacquiao.

vuukle comment

BINUKSAN

DITO

FINAL FOUR

LARCHMONT PARK

MATAPOS

PACQUIAO

ROY LUARCA

WINCHELL CAMPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with