^

PSN Palaro

Nadal sinibak si Traver sa Rio OPen

Pilipino Star Ngayon

RIO de Janeiro--Wa­lang inindang pananakit ng likod si Rafael Nadal ng Spain para madaling pataubin ang kababayang si Daniel Gimeno-Traver, 6-3, 7-5, sa unang round ng Rio Open.

Ito ang unang laro ni Nadal matapos ang kabiguan sa Australian Open final laban kay Stanislas Wawrinka, isang tagisan na paborito ang number one ranked netter sa kalalakihan.

Nanakit ang likod ni Na­dal habang nagwa-warm up para sa laban nila ni Wawrinka upang magka­roon ng pagdududa sa kanyang kondisyon para sa kompetisyong ito.

Ang ipinamalas ni Nadal sa red clay surface ay nagtutulak upang paniwalaan na kaya niyang pumasok sa final sa Linggo kontra sa kababayang si David Ferrer.

Si Ferrer ay nagbukas ng kampanya sa pamamagitan ng 6-2, 6-3, panalo kay Jeremy Chardy.

 Ang iba pang seeded players na nanalo ay sina No. 3 Fabio Fognini, No. 4 Tommy Robredo, No. 7 Juan Monaco at No.8 Pablo Andujar.

Pinangatawanan din ng paborito sa kababaihan na si Klara Zakopalova ng Czech Republic ang tagisan nila ni Mariana Duque-Marino ng Colombia, 6-4, 6-4.

vuukle comment

AUSTRALIAN OPEN

CZECH REPUBLIC

DANIEL GIMENO-TRAVER

DAVID FERRER

FABIO FOGNINI

JEREMY CHARDY

JUAN MONACO

KLARA ZAKOPALOVA

MARIANA DUQUE-MARINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with