^

PSN Palaro

Hog’s Breath Cafe sa semis; Blackwater Sports buhay pa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanatiling buhay ang laban ng Blackwater Sports matapos pataubin ang Jumbo Plastic, 86-78, sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 16 puntos bukod pa sa anim na rebounds, limang steals at apat na assists si Kevin Ferrer at siya ang nagpasiklab sa 10-0 palitan para lumayo agad ang Elite, 25-15.

Nagdagdag pa ng 15 puntos si Jericho Cruz habang tig-13 ang ibinigay nina Narciso Llagas at Gio Ciriacruz para maihirit ng tropa ni coach Leo Isaac ang do-or-die game sa Huwebes sa Ynares Arena sa Pasig City.

Hindi naman nagpabaya ang Hog’s Breath Cafe na pinagpahinga na ang Cagayan Valley, 82-79 sa ikalawang laro.

Sina Jensen Rios at Alex Austria ang nagtulong sa huling tatlong puntos upang makumpleto ng Razorbacks ang pagbangon mula sa siyam na puntos na pagkakalubog sa pagsisimula ng huling yugto.

Ang tropa ni coach Caloy Garcia na tumapos sa ikaapat na puwesto sa elimination round ang siyang makakalaban ng number one team na NLEX Road Warriors sa best-of-three semifinals series.

Si Adrian Celada ay mayroong 21 puntos habang si Kenneth Ighalo ay nagdagdag ng 11 para sa Rising Suns na hindi napangalagaan ang 40-22 kalamangan sa ikalawang yugto.

Hinugot pa ng koponan ang leading scorer ng liga na si Vincent Juico pero nangapa ito at tumapos lamang taglay ang pitong puntos.

vuukle comment

ALEX AUSTRIA

BLACKWATER SPORTS

BREATH CAFE

CAGAYAN VALLEY

CALOY GARCIA

D-LEAGUE ASPIRANTS

GIO CIRIACRUZ

JERICHO CRUZ

JUMBO PLASTIC

KENNETH IGHALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with