^

PSN Palaro

African boxer knockout sa 3rd round; Loreto bagong world champion ng Pinas

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni Rey Loreto ang naging mis­yon nang kunin ang ba­kanteng International Boxing Organization (IBO) light flyweight title matapos patulugin sa ikatlong round ang dating world champion na si Nkosinathi Joyi ng South Africa noong Sabado sa The Salle Des Etoiles sa Monte Carlo, Monaco.

Pinahirapan ng 23-an­yos tubong Davao City na si Loreto ang African bo­xer gamit ang kanyang matitinding kaliwa para makuha ang world title sa unang salang.

Sa huling segundo ng second round ay muntik nang bumuwal ang 31-an­yos na si Joyi at pinalad lamang ito na naubusan ng oras ang Filipino boxer para umabot sa  third round ang sagupaan.

Sumablay si Joyi sa isang left hook bago pina­kawalan ni Loreto na kilala sa taguring ‘Hitman’, ang may buwelong counter left na solid na tumama sa panga ng kalaban.

Bumulagta and African boxer para matapos ang laban, 49 segundo sa ikatlong yugto.

“Natupad ang pangarap ko. Nagbunga ang paghihirap ko,” wika ni Loreto sa Philboxing.com.

Naiakyat ni Loreto ang karta sa 18 panalo, kasama ang 10KOs, at 13 talo at ito ang ikalawang sunod na panalo niya laban sa da­yuhan.

Noong Agosto 23, 2013 ay tinalo niya sa pamamagitan ng technical decision si Pornsawan Porpramook ng Thailand sa Bangkok para angkinin ang interim PABA light flyweight title.

 Si Loreto ang lalabas bilang ikatlong boxer ng bansa na nagkampeon sa IBO kasunod nina Pambansang kamao Manny Pacquiao at Edrin Dapudong.

vuukle comment

BUMULAGTA AND AFRICAN

DAVAO CITY

EDRIN DAPUDONG

INTERNATIONAL BOXING ORGANIZATION

JOYI

LORETO

MONTE CARLO

NKOSINATHI JOYI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with