^

PSN Palaro

NCAA women’s volley game ipapalabas sa TV5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapalabas sa Sports 5 ang NCAA women’s volleyball Game of the Week mula bukas.

Ang nangungunang San Beda ay kalaban ang multi-titled San Sebastian sa larong magsisimula sa ganap na alas-12:30 ng hapon.

May 5-0 baraha ang Lady Red Spikers at ito ang kanilang pinakamalakas na panimula sapul nang nagkaroon ng women’s volleyball program noong 2007.

Masusukat ang tikas ng koponan sa Lady Stags na kahit may 3-2 baraha ay hindi paaawat lalo pa’t may pride sila bilang many-time champion ng liga.

Isang women’s match ang ipapalabas sa TV5 sa elimination round habang ang semifinals at ang women’s at men’s Finals ay ipapalabas ng live sa telebisyon.

Sina Ces Molina at Janine Marciano ang mangu­nguna sa San Beda habang ang beterano ng V-League na si Gretchel Soltones ang babandera sa Lady Stags na kasalo ang nagdedepensang kampeon Perpetual Help sa ikalimang puwesto.

 

vuukle comment

GAME OF THE WEEK

GRETCHEL SOLTONES

JANINE MARCIANO

LADY RED SPIKERS

LADY STAGS

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SINA CES MOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with