^

PSN Palaro

Perpetual humataw agad sa volleyball

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magarbong pagbubukas ang ginawa ng Perpe­tual Help sa pagdepensa sa hawak na dalawang ti­tulo nang walisin ang Ma­­pua sa pagbubukas ng 89th NCAA vol­leyball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Ang mga beteranang sina Norie Jane Diaz at Ho­ney Rose Tubino ay nagtala ng 14 at 11 hits upang angkinin ng Lady Altas ang 25-14, 25-11, 25-13 panalo kontra sa Lady Cardinals.

Ang setter na si Shaira Cabriana ay may 21 excellent sets bukod sa 10 na ki­natampukan ng anim na aces, habang apat na aces at isang block tungo sa 10 puntos ang naihatid ni Jamela Suyat.

Tumagal lamang ang aksyon sa loob ng 53 minuto at dominado ng tropa ni coach Sammy Acaylar ang spike, 40-13, at serve 17-0, para pakinangin ang unang panalo.

Hanap ng Lady Altas na palawigin sa tatlo ang do­minasyon sa kanilang ha­nay.

Bago ito ay kumubra mu­na ang Altas ng 25-18, 25-13, 25-17 straight sets win sa Cardinals sa men’s divison.

May 10 kills tungo sa 12 hits si Edmar Sanchez, habang si Jay Rojo ay may 10 puntos mula sa pitong kills at tatlong service aces para pamunuan ang koponan na balak palawigin sa apat na sunod ang dominasyon sa dibisyon.

Nakasalo naman sa Per­petual ang Emilio Aguinaldo College sa women’s division nang pabagsakin ang Jose Rizal University, 25-12, 25-19, 25-15 sa isa pang laro.

vuukle comment

EDMAR SANCHEZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JAMELA SUYAT

JAY ROJO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LADY ALTAS

LADY CARDINALS

NORIE JANE DIAZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with