^

PSN Palaro

Buenavista, Martes dinomina ang Baguio leg MILO Marathon

Pilipino Star Ngayon

BAGUIO City , Philippines  --Mada­ling pinagha­rian ng mga pambato sa marathon na sina Eduardo Buenavista at Christabel Martes ang idinaos na 37th National Milo Marathon Elimination dito kahapon.

Ang 35-anyos na si Buenavista na siyang na­nguna sa local category no­ong nakaraang taon ay naorasan ng 1:12:39 sa 21-kilometrong distansya at pinangunahan niya ang karera mula simula hanggang natapos ang takbuhan.

Si Cesar Castaneto at ang dating kampeon sa karera na si Hernanie Sore ang pumangalawa at pumangatlo sa 1:14:21 at 1:19:55 oras.

Kondisyon si Buenavista dahil naghahanda siya para sa gaganaping Myanmar SEA Games sa Dis-yembre 11 hanggang 22.

Ang National Finals ay gagawin sa Disyembre 8 sa Mall of Asia Arena at malaki ang posibilidad na hindi makatakbo sa karera si Buenavista.

“Kung pupuwede ay gusto ko sanang tumakbo sa National Finals. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, target ko na talunin si James Tallam (Kenya) sa Open category,” pahayag ng marathoner na isang two-time Olympian at three-time Milo Marathon champion.

Wala ring nakasabay sa 34-anyos na si Martes na nagtala ng 1:31:33 sa kababaihan para sa dominadong pananaig laban sa hamon nina Gretchen Ablaza (1:49:41) at Rowana Ba-A (1:50:43).

May 35 na iba pang marathoners ang umabot sa qualifying time para pumasok sa Finals.

May tatlong qualifying races pa ang isasagawa bago ang Finals at ito ay gagawin sa Dagupan sa Nobyembre 10; Tarlac sa Nobyembre 17 at Angeles sa Nobyembre 24.

vuukle comment

ANG NATIONAL FINALS

BUENAVISTA

CHRISTABEL MARTES

EDUARDO BUENAVISTA

GRETCHEN ABLAZA

HERNANIE SORE

JAMES TALLAM

MALL OF ASIA ARENA

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with