^

PSN Palaro

Rana, Brown dinomina ang TRI-United 3

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ni Benjamin Rana Jr. ang dalawang taon na hindi nananalo sa Subic nang mamayagpag sa male elite sa TRI-United 3 kahapon sa Dungaree Beach sa Subic.

Naorasan si Rana ng 2:05:37 para hiyain ang hamon nina Mark Husana at Philip Atenta na nalagay sa pangalawa at pangatlo sa 2:11:00 at 2:13:58.

Huling panalo ni Rana ay noong 2011 sa isang  National Age Group Triathlon.

Ang tatlo ay magkaka­sama naman sa Unilab Active Health na siyang may palaro na inorganisa ng BIKEKING ni Raul Cuevas.

Pinakyaw ng mga lahok ng UAH ang tampok na karera dahil ang coach na si Ani Karina de Leon-Brown ang kampeon sa female elite sa 2:33:05 sa 1.5-km swim, 40-km bike at 10-km run distance.

Nakisalo sa mga nanalo ang tubong La Union na si Juan Carlos Abad at Chistianne de Vera na kampeon sa Teens ca­tegory na kalahati sa elite race. May bilis na 1:10:40 si Abad habang 1:37:13 ang nagawa ni De Vera na mag-aaral ng La Salle.

vuukle comment

ANI KARINA

BENJAMIN RANA JR.

DE VERA

DUNGAREE BEACH

JUAN CARLOS ABAD

LA SALLE

LA UNION

MARK HUSANA

NATIONAL AGE GROUP TRIATHLON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with