^

PSN Palaro

Rising Suns winalis ang elims at quarters ng V-League

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang winalis ng Cagayan Province ang elimination at quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference matapos talunin ang Philippine Army, 25-15, 20-25, 19-25, 25-18, 15-9, kahapon sa The Arena sa San Juan.

Ipinoste ng Rising Suns ang matayog na 12-0 record patungo sa Final Four bilang No. 1 team.

Lalabanan ng Cagayan ang No. 4 squad na Philip­pine Air Force sa best-of-three semifinals series na mag­­sisimula bukas.

Sasagupain naman ng No. 2 Army ang third seeded na Smart-Maynilad para sa isa pang labanan sa finals berth.

Bumangon ang Rising Suns mula sa isang 1-2 agwat sa likod nina Thai ace Kannika Thipachot, Aiza Maizo at Angeli Tabaquero patungo sa kanilang tagumpay.  

Sa unang laro, nagposte ng 22 kills at dalawang blocks si Joy Gazelle Cases para bigyan ang Air Force ng 25-16, 25-22, 14-25, 25-17 panalo kontra sa Philippine National Police.

Si Judy Ann Caballejo ay naghatid pa ng 14 kills, ha­­bang tumulong din sa pag-atake si Maika Ortiz para big­yan ang Air Women ng 57-46 kalamangan sa attacks.

Lumutang naman sa depensa si Liza de Ramos nang mag­tala ng anim na blocks upang tapatan ang nagawa ng PNP bilang isang koponan.

Hindi naman nagpahuli  ang setter na si Rhea Di­maculangan na naglista ng 43 excellent sets bukod sa anim na digs para kunin ng Air Force ang ikapitong pa­nalo matapos ang 12 laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ang panalo ay magagamit ng koponan bilang momentum sa Final Four kung saan nila makakatapat ang No. 1 team na Cagayan Province.

Nalaglag ang PNP sa 2-10 karta at sina Thai import Sangmuang Patcharee, Frances Molina at Janine Marciano ang nagdala ng laban sa 17, 15 at 14 hits.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR WOMEN

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

FINAL FOUR

FRANCES MOLINA

RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with