^

PSN Palaro

Pacquiao pinaghahandaan sina Jinkee at Rios

AC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ni Manny Pacquiao si  Brandon Rios at maging ang pagsilang ng kanilang pang-limang anak nila ng asawang si Jinkee.

May apat na anak ang mga Pacquiaos --sina Jimuel, Michael, Princess at ang 5-anyos na si Queenie --at inaasahan na ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Actually hindi ko in-expect, pero ganito naman talaga,” sabi ni Jinkee na ibinalita ang kanyang pagbubuntis sa national television.

 â€œIf it’s God’s will, siyempre tatanggapin mo. We’re very thankful that God gave us a new addition to our family,” dagdag pa nito.

Tatlong buwan na ngayon ang sanggol na dinadala ni Jinkee, ang bagong halal na vice governor ng Sarangani.

Gusto niya ng anak na lalaki.

“Boy, para may ano sila... ‘yung mga boys ko, tatlo na silang basketball player!,” wika ni Jinkee sa ABS-CBN.

Si Pacquiao ay kilalang isang basketball addict.

Ipinagdiwang ng mga Pacquiaos ang kaarawan ni Queenie sa isang orphanage.

Ayon kay Jinkee na hindi na sila nagdaraos ng isang malaking handaan sa tuwing may espesyal na okasyon at sa halip ay ibinabahagi nila ito sa mga mahihirap.

vuukle comment

AYON

BRANDON RIOS

IPINAGDIWANG

JIMUEL

JINKEE

PACQUIAOS

QUEENIE

SI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with