^

PSN Palaro

Iloilo papalo sa LL Softball World Series

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winalis ng Iloilo Pro­vince ang best-of-five series nila ng Indonesia para makuha ang karapatang maglaro sa Little League Softball World Series.

Umani ng 10-0 panalo ang Iloilo upang isama sa naunang kinuhang 23-0 at 10-6 tagumpay at pagha­rian ang Asia Pacific And  Middle East tournament sa Clark Parade Grounds sa Clark Freeport Zone.

Ito ang ikalawang taon lamang ng Iloilo sa kanilang Little League program upang matuwa si manager Rey Fuentes sa makasay­sayang pagtatapos ng inilaban na koponan.

Isang hit lamang ang ibinigay ni Royeve Palma bu­kod sa anim na strikeouts para pangunahan ang home team.

Namuro naman ang Big League World champion na Manila South na  makabalik sa World Series nang itala ang 33-1 panalo sa Indonesia para sa ikalawang sunod na panalo sa tatlong bansa, double-round robin tournament para sa 16-18 age division.

Kailangan na lamang ng koponan na manalo uli sa Indonesia at Guam sa Biyernes at Sabado para bumalik ng World Series.

Isa pang koponan mu­la Iloilo Province (Junior League Softball) at Sta. Cruz, Laguna (Senior League Softball) ay lumapit din sa tig-dalawang panalo para umabante sa World Series matapos ang 30-3 at 18-3 panalo sa Indonesia.

vuukle comment

ASIA PACIFIC AND

BIG LEAGUE WORLD

CLARK FREEPORT ZONE

CLARK PARADE GROUNDS

ILOILO

ILOILO PRO

ILOILO PROVINCE

JUNIOR LEAGUE SOFTBALL

WORLD SERIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with