^

PSN Palaro

Diretsong 16 lalagukin ng San Miguel Beer vs Dragons

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Palawigin sa 16-diretso ang pagpapanalo ang ba­lak gawin ng San Miguel Beer sa pagku-krus uli ng landas nila ng Westports Malaysia Dragons nga­yong gabi sa ASEAN Basketball League (ABL) sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa ganap na alas-8 ng gabi itinakda ang labanan at hanap din ng Beermen ang ikatlong sunod na panalo sa Dragons matapos mabigo sa unang laban sa kanilang head-to-head sa liga.

Selyado na ng tropa ni  coach Leo Austria ang number one seeding at homecourt advantage sa Playoffs ngunit mahalaga pa rin ang maipanalo para maipagpatuloy ang winning momentum sa Final Four.

Kalaban ng Beermen ang Sports Rev Thailand Slammers sa best-of-five semifinals na bubuksan sa Mayo  23 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“Hindi namin hahayaan na masayang ang pinag­paguran namin sa naunang mga panalo. Hanggang makakaya namin ay pipilitin naming ipanalo ang mga haharaping laro,”  wika ni Austria.

Sa kabilang banda, ang home team ay nanganga­ilangan din ng panalo para pataasin ang kanilang morale dahil katunggali ng number three team ang nagdedepensang kampeon Indonesia Warriors na may homecourt advantage sa kanilang serye.

Aasahan ang pagkamada nina Marcus Hubbard, Gavin Edwards, Justin Melton, Moala Tautuaa at Guga Butamalai para maipanalo ang Dragons.

Sina Asi Taulava, Justin at Brian Williams ang mamumuno sa Beermen pero sasandalan din ng koponan ang tikas nina Jerick Fortuna at Paolo Hu­balde na pumuno sa puwestong iniwan pansamantala ng batikang Fil-Am Chris Banchero na may iniindang injury.

May limang sunod na panalo ang Beermen kahit wala si Banchero na inaa­sahang unti-unting ibabalik sa rotation sa semis.

 

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

FIL-AM CHRIS BANCHERO

FINAL FOUR

GAVIN EDWARDS

GUGA BUTAMALAI

INDONESIA WARRIORS

JERICK FORTUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with