^

PSN Palaro

La Salle asam ang titulo sa UAAP netfest

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Rizal Memorial

Tennis Center)

9 a.m. UST vs La Salle

 

MANILA, Philippines - Aasintahin ngayon ng La Salle ang kampeo­nato sa women’s tennis sa pagharap uli sa UST ngayong umaga sa Rizal Memorial Tennis Center.

Umabante sa 1-0 kalamangan ang Lady Archers sa Lady Tigresses nang angkinin ang 3-2 panalo sa pagbubukas ng best-of-three championship series noong Martes.

Si Marinel Rudas ang siyang nagbigay ng panalo sa La Salle nang sibakin si Lenelyn Milo, 6-1, 6-0, sa huling laro.

“Sana hindi magbago ang ipinakita nilang laro,” wika ni La Salle coach Roland Kraut.

Bukod kay Rudas, aasa rin ang  Lady  Archers sa hu­say nina Reggie Santiago at Martina Guba na siyang naghatid ng dalawang panalo.

Mangunguna sa kopo­nan si Macy Gonzales na ginulat ni Santiago sa Game One, 2-6, 2-6.

Kung manalo ang Archers maibubulsa nila ang ikaanim na titulo bukod pa sa pagpapakinang sa mabungang kampanya ng koponan sa 75th season.

vuukle comment

GAME ONE

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY TIGRESSES

LARO NGAYON

LENELYN MILO

MACY GONZALES

MARTINA GUBA

REGGIE SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with