^

PSN Palaro

Myanmar paghahandaan ng Pinoy jins sa SEA Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may isang bansa na pinaghahandaan ng national taekwondo team sa gaganaping SEA Games sa Disyembre, ito’y walang iba kundi ang host Myanmar.

Ang Myanmar ay na­ging agresibo sa paglahok sa mga taekwondo events noong nakaraang taon at ang mga isinali ang siyang nakikita ng mga national  jins na ibabala sa SEA Games na itinakda mula Disyembre 11 hanggang 22.

“Last year sa Korea Open ay marami silang isinali na mga batang jins. Most probably ito na ang mga jins na ilalaban nila sa SEA Games,” wika ni Japoy Lizardo, isa sa apat na gold medalists ng Pilipinas sa taekwondo noong 2011 Indonesia SEA Games.

Dumalo si Lizardo ka­sa­ma ng isa pang Indonesia gold medalist na si Elaine Alora at Philippine Taekwondo Association training director Noel Vene­racion sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura at kanilang tiniyak na ginagawa ng asosasyon ang lahat para maihanda ang mga ipanlalaban sa Myanmar Games.

Ayon kay Veneracion, sisimulan bukas hanggang Linggo ang paghahanap ng mga magiging kasapi ng national pool sa pamamagitan ng Carlos Palanca Jr. Championships sa Ninoy Aquino Stadium.

“Ang mga mananalo rito ay masasama sa national pool at sa February 17 ay may gagawing final tryouts para mapili ang mga bubuo sa national team,” wika ni Veneracion.

Bukod sa SEA Games, ang isa pang tampok na torneo sa elite ay ang World Championships sa Hulyo na gagawin sa Pueblo, Mexico.

Hindi naman mala­yong sina Lizardo at Alora ang mangunguna sa mga papasok sa national team pero hindi dapat sila magkumpiyansa dahil may mga bata na mahuhusay na kayang maghatid ng upset sa CPJ event.

 

vuukle comment

ANG MYANMAR

CARLOS PALANCA JR. CHAMPIONSHIPS

DISYEMBRE

ELAINE ALORA

JAPOY LIZARDO

KOREA OPEN

LIZARDO

MYANMAR GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with