^

PSN Palaro

U-23 team na isasabak sa Myanmar SEAG palaban sa medalya--Palami

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng wa­long manlalaro na nagsa­nay kasama ng Azkals ang nagpapatibay sa paniniwala ni team manager Dan Palami na mananalo na ng medalya ang Pilipinas sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.

Sina Marvin at Marwin Angeles, Matthew Uy, Jason de Jong,  Manny at Matt Ott at Jeffrey Chris­tiaens ay mga mangu­nguna sa U-23 team na ilalaban sa  Myanmar.

Ang pambatong goalkeeper na si Neil Etheridge ay posible ring makasama sa koponan ayon kay Palami.

“He might join the team depending on his schedule. With eight players who trained with the Azkals since last year, I do believe our chances for a medal is strong,” wika ni Palami.

Hindi pa nananalo ng medalya ang Pilipinas sa  kasaysayan ng SEA Ga­mes football.

Sa huling SEA Games sa Indonesia ay pinaniwalaan na magdiriwang na ang bansa sa pinakapopular na laro sa mundo dahil pinalakas ang koponan ng pagkuha sa mga Fil-Foreigners at ginabayan pa ito ni Azkals German coach Hans Michael Weiss.

Pero walang kinang ang naipakita ng koponan nang magkaroon lamang ng isang panalo sa limang laro para mamaalam agad sa group stage.

vuukle comment

AZKALS

AZKALS GERMAN

DAN PALAMI

HANS MICHAEL WEISS

JEFFREY CHRIS

MARWIN ANGELES

MATT OTT

MATTHEW UY

MYANMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with