^

PSN Palaro

Pacquiao-Rios fight ngayong Abril?

Robbie M. Pangilinan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang malalaking sports personalities ang nasasabik na  magkita sa ring sina Manny Pacquiao at si Brandon Rios.

Dalawang pangalan ang lumutang na posibleng makaharap ni Pacquiao sa unang laban sa 2013. Ang mga ito ay sina dating WBA welterweight champion Vyacheslav Senchenko ng Ukraine o ang walang talong si Jessie Vargas ng USA.

Pero mas nais ng ibang Pinoy na harapin ni Pacquiao si Rios sa pagbabalik na posibleng gawin sa Abril 13 o sa Abril 20.

Ilan sa mga nagnanais na mangyari ito ay si dating PSC chairman Philip Juico, SEL-J Sports CEO Jay Lacnit at ang trainer ni Pacman na si Buboy Fernandez.

“Ang matunog na laban sa taong ito ay sa  pagitan nina Brandon Rios at Manny Pacquiao,” hula ni Juico.

“Parehong may bilis at parehong uhaw sa panalo. Ngayon na ang panahon upang patunayan nina Manny at Brandon ang sarili,” tugon naman ni Lacnit.

Nakadepende naman kay Rios ang katuparan ng laban ani Fernandez.

“Kung magkakasundo sila  ni Arum sa presyo, posib­leng si Rios na ang makakalaban ni Manny sa Abril,” pahayag ni Fernandez.

Hanap  ni Pacquiao na makabawi matapos patulugin ni Juan Manuel Marquez noong Disyembre sa ikaapat na pagtutuos.

 

vuukle comment

ABRIL

BRANDON RIOS

BUBOY FERNANDEZ

FERNANDEZ

J SPORTS

JAY LACNIT

JESSIE VARGAS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with