^

PSN Palaro

Pangasinense nalungkot sa pagkatalo ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

LINGAYEN, Panga­sinan, Philippines--Halos nayanig ang mga Pangasinense na nakasaksi sa  nalasap na pagkatalo ng Filipino bo­xing legend na si Manny Pacquiao na pinatulog ni Mexican rival Juan Manuel  Marquez sa kanilang laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pinanood ng mga Pangasinense ang laban sa pagitan ng dalawang greatest fighters at sila ay labis na nalungkot nang si Pacman ay bumagsak padapa sa lona matapos tamaan ni Juan Ma ng solidong kanan sa baba.

 Ang naturang libreng palabas ay inihandog ng mga practical shooters, police officers na lumahok sa Invitational Shooting Competition (PPSA Level I sanctioned match) kung saan naging punong abala ang Pangasinan PNP Firing Range dito sa Pangasinan na sinamantala rin ng mga range officers para panoorin ang nabanggit na laban ng dalawang mahuhusay na fighters sa malaking TV screen.

Bagamat natalo, bilib pa rin ang mga Filipinos kay Pacquiao sa ipinakitang tapang.

“Kay Pacquiao pa rin ako,” pahayag ng isang tagahanga na nanood sa nasabing big screen.

 

vuukle comment

FIRING RANGE

GRAND ARENA

INVITATIONAL SHOOTING COMPETITION

JUAN MA

JUAN MANUEL

KAY PACQUIAO

LAS VEGAS

LEVEL I

PANGASINAN

PANGASINENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with