^

PSN Palaro

Juan Ma sa Judges: ‘Maging patas kayo’

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Labis-la­bis ang pagkadismaya ni Jaun Manuel Marquez sa ikatlong kabiguan kay ni Manny Pacquiao noong Nobyembre ng nakaraang taon, ang nagtulak kay Juan Manuel Marquez upang hamunin sa ikaapat na pagtutuos ang Pambansang kamao.

At magaganap na ito ngayon.

“After the third fight I was very upset. But I said to myself what’s the point so after a while I sat down with my team and my family,” wika ni Marquez.

“We thought might  be there’s an opportunity for a fourth fight. It may not be realistic then but here it is now,” dagdag pa ng Me­xican counterpuncher.

At sa Sabado (Linggo ng tanghali  sa Manila), mu­ling mapapasabak si Marquez kay Pacman para sa kanilang huling paghaharap.

 Sa tatlong pagkakataon na nagkaroon ng tsansa si Marquez sa bawat okasyon--palagi na lang siyang bigo sa mga mata ng judges--na kanyang sinisi sa nalasap na dalawang pagkatalo at maging ang draw.

At sa pagkataong ito, isa lang ang panawagan ni Juan Ma sa mga judges-- na sina Adelaide Byrd ng Las Vegas, Steve Weisfeld ng New Jersey at John Keane ng England--ang magkaroon ng patas na de­sisyon upang tuluyan nang matuldukan kung sino sa kanilang dalawa ni Pacquiao ang tunay na nanalo.

 

vuukle comment

ADELAIDE BYRD

BUT I

JAUN MANUEL MARQUEZ

JOHN KEANE

JUAN MA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

NEW JERSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with