^

PSN Palaro

Maluyo, Jaro may tiket na sa Milo Marathon Nat’l Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala ang mga Kenyans na dati ay sumasali kaya’t mas naging madali ang hinanap na panalo ng machine operator na si Gilbert Maluyo sa Milo Marathon elimination sa General Santos City kahapon.

Sa 21-kilometro idinaos ang tagisan at ang 31-anyos na si Maluyo ay naorasan ng isang oras, 14 minuto at 12 segundo para dominahin ang kalalakihan.

Ang oras na ito ang pina­kamabilis na naitala ni Maluyo sa apat na taong paglahok at hinigitan niya ang 1:14:54 na noong nakaraang taon na kanya ring pinagharian katunggali ang Kenyan na si David Kipoech.

Tinangka ni Elmer Bartolo na bigyan ng magandang laban ang nagdedepensang kampeon pero naubos siya habang lalong tumulin ang katunggali habang tumatagal ang karera.

Mahigit na isang minuto ang inilayo ni Maluyo kay Bartolo na may 1:15:24 ha­bang si Arnie Macaneras ang pumangatlo sa 1:18:42.

“Will to win na manalo ang nagdala sa akin sa panalo. Ito na ang best performance ko,” wika ni Maluyo.

Ang beteranang si Cri­selyn Jaro ang siyang na­nguna sa kababaihan sa naitalang 1:31:23 at kinaila­ngan niya ng malakas na sprint para talunin si Monalisa Ambasa na may 1:31:38 oras. Ang ikatlong puwesto ay napunta kay April Rose Diaz sa 1:32:25.

Sina Maluyo at Jaro ay parehong aabante sa National Finals sa  Disymebre 9.

vuukle comment

APRIL ROSE DIAZ

ARNIE MACANERAS

DAVID KIPOECH

ELMER BARTOLO

GENERAL SANTOS CITY

GILBERT MALUYO

JARO

MALUYO

MILO MARATHON

MONALISA AMBASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with