^

PSN Palaro

Triple-header sa pba Philippine CUP: 3-teams asam na sumosyo sa 2nd

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Barako Bull vs Globalport

5:15 p.m. Meralco vs Rain or Shine

7:30 p.m. San Mig Coffee vs Ginebra

 

MANILA, Philippines - Tatlong koponan ang maghahangad na ma­ka­tabla sa ikalawang po­sis­yon, habang pipilitin na­man ng pinaka-popular na tropa sa liga ang ma­wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

Haharapin ng Rain or Shine ang Meralco nga­yong alas-5:15 ng hapon, habang sasagupain ng San Mig Cofffee ang bumubulusok na Barangay Ginebra San Miguel sa alas-7:30 ng gabi sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-3 ng hapon ay magtatagpo ang Barako Bull at Global­port.

Sumasakay ang Mixers ni coach Tim Cone sa isang two-game winning streak kumpara sa Gin Kings ni mentor Siot Tanquingcen na nasa isang four-game losing slump matapos magposte ng 2-0 panimula.

Bitbit pa rin ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang liderato mula sa kanilang 6-1 record kasunod ang tumalo sa kanilang Alaska (5-2), Meralco (4-2), San Mig Coffee (4-2), Rain or Shine (4-2), Petron Blaze (3-4), Ginebra (2-4), Air21 (2-5), Barako Bull (2-5) at Globalport (1-6).

Bagamat nahulog sa kamalasan, hindi pa rin binabalewala ni Cone ang kakayahan ng Gin Kings ni Tanquingcen.

“It doesn’t matter what their record is, Ginebra is always incredibly challen­ging to play,” wika ni Cone. “There’s a lot of pride in that locker room and in the stands.”

Tinalo ng San Mig Coffee sa kanilang huling dalawang laro ang Barako Bull, 92-91, at Globalport, 82-78, samantalang natalo naman ang Ginebra sa Alaska, 69-87.

 

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

GIN KINGS

GINEBRA

GLOBALPORT

LARO NGAYON

MERALCO

SAN MIG COFFEE

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with