^

PSN Palaro

Pinoy Cuppers tumabla sa Indons sa 1-1

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinangatawanan nina Treat Huey at Christopher Rungkat ang pagiging num­ber one players ng Pil­ipinas at Indonesia nang kunin ang panalo sa mga singles matches sa pagbubukas ng 2012 Asia Ocenia Zone Group II Davis Cup Finals kahapon na ginawa sa Gelora Bung Karno Tennis Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Nagpakita ng solidong serves si Huey tungo sa 6-4, 6-2, 6-3 panalo laban kay Elbert Sie upang pawiin ang kinuhang 7-6 (4), 6-2, 3-6, 6-0, tagumpay ni Rungkat kay Francis Casey Alcantara sa unang laro.

Inasahan naman ng bi­sitang national Davis Cupper na matatablahan nila ang host sa unang araw ng torneo at ngayon ay pu­puntiryahin na ma­kuha ang doubles para sa mahalagang 2-1 bentahe sa best of five series.

Nominado sina Fil-Am Ruben Gonzales at Jeson Patrombon pero papalitan si Patrombon ni Huey na mas mahusay sa doubles.

Haharapin nila sina Rungkat at Sie at aasahan na pagod ang dalawa matapos mapalaban sa opening singles.

Ang mananalo sa la­rong ito ngayon ay magkakaroon ng dalawang pagkakataon upang makuha ang tie sa reversed singles.

Mapo-promote sa Group I ang mananalo sa 2013 habang mananatili sa Group II ang matatalo.

vuukle comment

ASIA OCENIA ZONE GROUP

CHRISTOPHER RUNGKAT

DAVIS CUP FINALS

DAVIS CUPPER

ELBERT SIE

FIL-AM RUBEN GONZALES

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GELORA BUNG KARNO TENNIS STADIUM

GROUP I

HUEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with