Alcantara, Reyes pasok sa Last 16 sa Olivarez netfest
(The Philippine Star) - August 20, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kapwa humataw sina wild cards Francis Casey Alcantara at Fil-Italian Marc Reyes ng lopsided na panalo sa magkahiwalay na kalaban at umusad sa third round ng Olivarez-Philta Open Tennis Championships na presinta ng Palawan Pawnshop Express Pera Padala sa Olivarez Sports Center sa Sucat nitong Sabado ng gabi.

Sinundan ni Alcantara, ang 2009 Australian Open junior doubles champion ang kanyang 6-0, 6-3 pananaig kay Arjohn dela Cruz sa pagposte ng 6-0, 6-0 tagumpay kontra naman sa 10th seed na si Kim Saraza at itakda ang kanilang sagupaan ni fifth seed Rolando Ruel Jr., sa Last 16 sa men’s Open singles.

Naligtasan naman ni Ruel ang unang set na ka­biguan tungo sa pagtakas ng 7-5, 6-2 panalo sa kalabang si Radharani Reyes sa P300,000 tournament event na hatid ng Palawan Pawnshop Express Pera Padala kung saan ang Dunlop ang official na bola.

Tinalo ni Reyes, naka­rating sa PCA Open finals may dalawang taon na ang nakakaraan si Rollie Anasta, 6-0, 6-1, at isaayos ang kanyang pakikipaglaban kay Michael Mantua, na sinibak ang No. 12 na si Antonio Sagansay, 6-3, 7-5.

Ang iba pang umusad sa susunod na round ay sina Fritz Verdad, Leander Lazaro, Joseph Victorino, Alexander Lazaro at Alberto Villamor.

Ginapi ni Verdad si An­tonio Quiza, 6-4, 6-4; na­lusutan ni Leander Lazaro si Mario Sabas, 6-2, 2-6, 6-2; pinataob ni Victorino si No. 9 Roel Capampa­ngan, 6-4, 7-6 (4); namayani si Ale­xander Lazaro kay Rode­rick Agna, 6-0, 6-0 at sinibak ni Villamor si Kristian Tesorio, 6-0, 7-6 (4).

ALBERTO VILLAMOR ALEXANDER LAZARO ANTONIO SAGANSAY AUSTRALIAN OPEN FIL-ITALIAN MARC REYES FRANCIS CASEY ALCANTARA FRITZ VERDAD JOSEPH VICTORINO LEANDER LAZARO PALAWAN PAWNSHOP EXPRESS PERA PADALA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with