^

San Miguel sa depensa aasa

- ATan (The Philippine Star) - June 18, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Depensa at suporta sa bench.

Ito ang nais na makita uli ni San Miguel Beermen coach Bobby Parks Sr. sa Game Two ng tagisan nila ng Indonesia Warriors sa Sabado para sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) title.

Sa Mahaka Square sa Jakarta gagawin ang bak­bakan at tiyak na mataas ang morale ng Warriors dala ng inaasahang mainit na suporta mula sa kanilang mga tagahanga.

Muntik na nilang pina­tahimik ang crowd ng Beermen na sumaksi sa Game One noong Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City nang dominahin ang mahigit sa three-fourths ng labanan.

Pero naipasok ni Froilan Baguion ang panablang tres, 77-77, para kunin ng Beermen ang momentum at ang 86-83 panalo.

“We’re gonna try and complete the job by fini­shing the series in Game Two,” wika ni Parks.

Pero hindi magiging ma­dali ito dahil kaila­ngan nilang doblehin ang kanilang efforts lalo na sa depensa bagay na hindi na masyadong problema dahil nakalaban na nila at nakita kung paano maglaro ang mga bagong pambato na sina Evan Brock at Stanley Pringle.

Si Pringle ay nalimita­han ng Beermen sa pitong puntos lamang sa second half matapos gumawa ng 14 sa first period habang si Brock na naghatid ng nangungunang 24 puntos ay hindi na nakagalaw sa huling tatlong minuto ng tagisan.

Kumana ng pinagsamang 72 puntos ang SMB starters na sina Duke Crews, Leo Avenido, Nick Fazekas at Chris Banchero pero malaking tulong ang ginawa ng bench na may 14 puntos o doble sa ginawa ng Warriors.

Bukod sa panablang tres, si Baguion din ang na­mahala sa pagpapatakbo sa opensa at nagtala ng 9 assists habang ang 6’10 na si Jun Mar Fajardo ay nagbigay ng 7 puntos at 5 rebounds kahit limitadong 10:27 lamang ang oras na kanyang inilaro.

BASKETBALL LEAGUE BEERMEN BOBBY PARKS SR. CHRIS BANCHERO DUKE CREWS EVAN BROCK FROILAN BAGUION GAME ONE GAME TWO SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with