Dragons tatapusin na ng Beermen
- Ni Angeline Tan () - June 2, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ilagay ang sarili bilang unang finalist sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League ang balak lagukin ng San Miguel Beermen sa pagharap uli sa Westports Malaysia Dragons sa MABA Gym sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hawak ng Beermen ang mahalagang 1-0 lead sa best of three semifinals series nila ng Dra­gons at kailangan lamang nilang manalo sa larong itinakda sa ganap na ika-4 ng hapon upang lumapit sa dalawang panalo tungo sa paghablot sa titulo ng regional basketball league.

Inilabas ng Beermen ang kanilang pride upang higitan ang inspiradong laro ng Dragons sa unang tagisan na nilaro sa Olivarez Gym sa Parañaque City para sa 111-104 overtime panalo noong nakaraang Sabado.

May momentum man, alam naman ni Beermen coach Bobby Parks Sr. na hindi magiging madali ang asam na sweep sa series dahil tiyak na mas inspirado ang Dragons bunga ng suportang makukuha sa mga manonood.

 “The close out game will be much tougher because their basks is against the wall and they will have the crowd behind them,” wika ni Parks.

BASKETBALL LEAGUE BEERMEN BOBBY PARKS SR. DRA HAWAK ILAGAY INILABAS KUALA LUMPUR OLIVAREZ GYM SAN MIGUEL BEERMEN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with