^

PSN Palaro

Krusyal na panalo pag-aagawan ng Letran, UST

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Agawan sa mahalagang panalo na magpapatibay sa paghahabol sa puwesto sa quarterfinals ang magaganap sa pagitan ng Letran at UST sa pagpapatuloy ng 2012 Filoil Flying V Pre-Season Hanes Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May 4-2 karta ang Knights habang 3-3 naman ang baraha ng Tigers kaya’t ang mananalo ay mananatili sa mahalagang ikaapat na puwesto sa Group A.

Ang San Beda at Ateneo na may 7-0 at 6-1 karta ay nasa quarterfinals na at ka­salukuyang nasa US para sa kanilang taunang pagsasanay.

Ang laro ng Letran at UST ay itinakda sa ganap na ika-3:30 ng hapon matapos ang bakbakan ng Perpetual Help at UE sa ganap na ala-1:45 ng hapon.

Katunggali naman ng La Salle (4-2) ang Mapua Cardinal (1-6) sa ikatlong laro dakong alas-5:15 ng hapon na siyang hu­ling laro sa seniors division.

Samantala, nagsisimula ng magbenta ng tiket para sa larong Ateneo at La Salle sa Hunyo 2 sa ganap na alas-6 ng gabi at ang presyo ay P400 sa ringside, P300 sa lower box at p150 sa upper box.

Ang mga tiket ay mabibili sa SM Ti­ckets sa teleponong 470-2222.

Ang Eagles-Archers game ay mapapanood sa delayed basis sa ABS-CBN Studio 23 dahil ang airing nito ay sa ganap na ika-11:30 ng gabi at may replay kinabukasan sa alas -3:30 ng hapon.

vuukle comment

ANG EAGLES-ARCHERS

ANG SAN BEDA

ATENEO

FILOIL FLYING V PRE-SEASON HANES CUP

GROUP A

LA SALLE

LETRAN

MAPUA CARDINAL

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with