^

PSN Palaro

Takbo para iligtas ang Manila Bay kasado na

-

MANILA, Philippines - Ang paglilinis ng ma­ma­mayan sa Manila Bay ay binigyang-diin sa pagsisi­mula ng pagpaparehistro ng mga tatakbo sa ikalawang Manila Bay Clean-up Run na gaganapin sa ika-15 ng Hulyo. 

Ang mga interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K, at 15K dibisyon ay maaring magpalista sa mga Chris Sports outlets sa Glorietta, Trinoma, SM Mall of Asia, Sm Megamall, SM Bicutan, SM Southmall, at SM North EDSA o sa lobby ng Manila Broadcasting Company sa CCP Complex, Pasay simula ika-28 ng Mayo hanggang ika-2 ng Hulyo

Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang magwa­wagi sa bawat kategoriya, at magkakaroon din ng special award para sa pina­kamalaking delegasyon na makakapagsali ng hindi kukulangin sa 25 paying entries.  

Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company Star City at Race me­chanics, sa pakikipagtulu­ngan ng Lungsod ng Maynila. Itataon din ito sa ika-73 anibersaryo ng DZRH, ang kauna-una­hang istasyon ng radyo sa Pilipinas. 

Para sa dagdag na kaalaman makipag-ugnay sa Race Mechanics sa 0921-5927956 o mag-email sa [email protected]

vuukle comment

ANG MANILA BAY CLEAN-UP RUN

CHRIS SPORTS

HULYO

MALL OF ASIA

MANILA BAY

MANILA BAY CLEAN

MANILA BROADCASTING COMPANY

MANILA BROADCASTING COMPANY STAR CITY

RACE MECHANICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with