^

Road warriors nagsosolo na

() - March 23, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang focus ng NLEX sa pisikal na laro ng RnW Pacific Pipes para sa 77-63 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 20 puntos at 10 rebounds si Cliff Hodge, si Garvo Lanete ay may 15 at si Kirk Long ay naghatid ng 5 assists para pawiin din ng Road Warriors ang di paglalaro nina San Sebastian players Calvin Abueva at Ian Sangalang dahil sa isang invitational meet.

“Ang maganda sa nangyari, kahit pisikal ang laro at pinahirapan kami ng kalaban ay hindi nawala ang focus ng mga bata,” wika ni coach Boyet Fernan­dez na may 2-0 karta na.

Umabot sa 14ang tech­nical fouls ang itinawag sa nasabing laban at tampok dito ang fragrant foul 2 kay Barnett Rogado matapos sapakin si Lanete.

Nagkasuguran ang benches ng magkabilang kampo pero hindi na lumala pa ang sitwasyon dahil sa pagpasok ng mga taga-awat.

Dinaan na lamang sa mabangis na opensa ng NLEX ang nangyari at ang alley hoop play sa pagitan nina Long at Hodge tungo sa slamdunk ng huli ang nag­bigay sa Road Warriors ng 71-56 bentahe.

Binigyan naman ng Big Chill ng mainit na pagsalubong ang nagbabalik sa coaching na si Robert Si­son sa pamamagitan ng makalaglag-pusong 74-73 panalo kontra sa Café France.

Si Allan Santos ang nagbigay ng panalo sa Su­per Chargers nang ma­kuha ang offensive rebound sa sablay na birada ni Charles Jensen tungo sa followup may 1.3 segundo sa orasan.

 Pinalitan ni Sison si Arsenio Dysangco na sinibak matapos ang 70-80 kabiguan sa NLEX. (ATAN)

NLEX 77-- Hodge 20, Lanete 15, Co 9, Long 8, Hermida 7, Ellis 6, arao 5, Dehesa 5, Marcelo 2, .

Pacific Pipes 63--Elinon 12, Acidre 12, Colina 8, Ilagan 8, Buensuceso 7, Gonzales 5, Bustos 3, Sanvictores 3, Mariano 2, Antonio 2, Rogado 1, de Guzman 0.

Quarterscores:17-13; 38-30; 56-47; 77-63.

ARSENIO DYSANGCO BARNETT ROGADO BIG CHILL BOYET FERNAN CALVIN ABUEVA CHARLES JENSEN CLIFF HODGE D-LEAGUE FOUNDATION CUP PACIFIC PIPES ROAD WARRIORS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with