^

PSN Palaro

Lady Altas lalapit sa sweep

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lalapit pa ang host Perpetual Help sa asam na sweep sa 87th NCAA wo­men’s volleyball sa pagharap sa nangungulelat na St. Benilde sa pagpapatuloy ng kompetisyon ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang laro ay ikalawa sa tatlong pang-umagang bakbakan mula alas-9 ng umaga at ang Lady Altas ay magbabalak na kunin ang ikaanim na sunod na panalo at manatiling natatanging koponan na hindi pa natatalo sa torneo.

Papasok ang Lady Al­tas mula sa pahirapang 28-26, 25-17, 16-25, 22-25, 15-12 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals upang masolo ang liderato dahil nalasap ng huli ang unang pagka­talo matapos ang apat na su­nod na panalo.

May 1-4 karta ang Lady Blazers pero makakatiyak na gagawin nila ang lahat ng makakaya para tapusin ang Lady Altas.

Unang magbabakba­kan ang Junior Altas sa Baby Blazers sa alas-8 ng umaga habang ang Altas ay makikipagbu­nuan sa Blazers alas-10 ng umaga.

Mahigpitan ang magaganap na labanan dahil mag­kasalo ang Altas at Bla­zers sa 3-0 karta at ang mananalo ay aakyat at sasaluhan ang nangu­ngunang Arellano (4-0) sa kalalakihan.

Samantala, babasagin naman ng nagdedepensang San Sebastian Lady Stags ang pagkakatabla nila ng Lyceum Lady Pirates sa kanilang tagisan dakong alas-2 ng hapon.

May iisang 2-2 karta ang dalawang koponan at ang mananalo ay aakyat sa pagsalo sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto.

vuukle comment

ALTAS

BABY BLAZERS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE LADY GENERALS

JUNIOR ALTAS

LADY

LADY AL

LADY ALTAS

LADY BLAZERS

LYCEUM LADY PIRATES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with