^

PSN Palaro

Freego Jeans, Cebuana Lhuillier Magpapatibay

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kakapit pa sa liderato ang Freego Jeans at Cebuana Lhuillier sa pagpa­pa­tuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa Adamson University Gym.

Kapwa pupuntir­ya­hin ng Jeans Makers at Gems ang ikaanim na pa­nalo sa pitong laro na magpapatatag sa kanilang paghahabol sa insentibong ibibigay sa mangungunang da­lawang koponan matapos ang single round robin eli­mination.

Kalaro ng Gems ang PC Gilmore ngayong alas-2 ng hapon, habang ang Jeans Makers ay babangga sa Big Chill sa alas-4 ng hapon.

Didiretso na sa semifinals ang top two teams, ha­bang ang apat na kasunod na koponan ay maglalaro na­man sa quarterfinals.

Galing sa 62-78 pagkakadurog ang tropa ni coach Leo Austria sa mga kamay ng DUB Unlimited sa huling laro pero nananalig ang beteranong mentor na babalik ang tikas ng kan­yang koponan lalo pa at ang Adam­son Falcons na siyang core players ng kanyang koponan ay na­maalam na sa PCCL.

“Medyo naka-recover na ang mga bata. Alam din nila ang kahalagahan ng larong ito para sa chance sa outright semifinals,” wika ni Austria.

Sa 4-2 karta, ang makukuhang panalo ng Super Chargers ay magreresulta upang makatabla nila ang Freego Jeans sa ikalawang puwesto kaya’t makakatiyak na magtatrabaho rin na­ng husto ang tropa ni coach Arsenio Dysangco.

Masasabing mas madaling laro ang haharapin ng Gems dahil ang Wi­zards ay wala pang panalo sa tatlong laro.

Ngunit hindi naniniwa­la si coach Luigi Trillo sa bagay na ito dahil ilang ko­ponan na rin na nasa ila­lim ang nanalo sa mga na­sa itaas sa standings.

“Hindi mo puwedeng bi­ruin ang team ng PC Gil­more. Ma­hirap magkumpiyansa at marami ng teams ang natalo dahil hindi nila siniseryoso ang kalaban,” wika ni Trillo.

Nananalig si Trillo na mananatili ang intensidad ng kanyang tropa upang makamit rin ang ikatlong sunod na panalo.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY GYM

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

FREEGO JEANS

JEANS MAKERS

LEO AUSTRIA

LUIGI TRILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with