^

PSN Palaro

Reputasyon ng Pinoy cue artists ibabangon ni 'Django'

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pipilitin ni Francisco “Django” Bustamante na ibangon ang laban ng mga pinagpipitaganang cue artist ng Pilipinas sa idinadaos na Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series sa pag­gapi kay Daryl Peach ng Great Britain ngayong gabi sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.

Si Bustamante ang ikatlong pambato ng bansa na sasalang sa one-day tournament na ito at nais niyang wakasan ang mga panalong nakuha ng mga dayuhan.

Yumukod sina Dennis Orcollo at Carlo Biado kay Ralf Souquet ng Germany habang si Peach ay nanalo na rin kay Ronato Alcano noong nakaraang Sabado.

“Sa pagkakataong ito ay mananalo naman tayo,” ani ng 47-anyos na si Bustamante na WPA World 9-ball Championships champion pero nag-uwi la­mang ng bronze medal sa katatapos na 26th SEA Ga­mes sa In­donesia.

Pabor naman ang odds kay Bustamante dahil ang $1 taya ay maghahatid ng $1.48 dibidendo kumpara sa $2.15 na ibibigay sa $1 kapag nanaig si Peach.

“I’m looking for another impressive performance against Bustamante,” wika ng 39-anyos na si Peach.

Inorganisa ng Mega Sports World at BRKHRD Corp. at mapapanood sa internet gamit ang www.megasportsworld.com, www.philippinebigtimebilliards.com, at www.starbilliards.com.ph, at sa mga Solar Sports, Sky Channel 70 at Destiny Channel 34, ang laro ay isang race to 9 winner’s break sa larong 10-ball kaya’t magiging balikatan ang bakbakan. 

vuukle comment

AIRPORT CASINO

BUSTAMANTE

CARLO BIADO

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

DESTINY CHANNEL

FACE OFF SERIES

GREAT BRITAIN

MEGA SPORTS WORLD

PHILIPPINE BIGTIME BILLIARDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with