^

PSN Palaro

Cobra, FCA maghahabol ng puwesto sa quarters

- (Angeline Tan) -

MANILA, Philippines - Patatagin ang pagha­habol sa dalawang awto­matikong quarterfinals spot sa Group B ang hangad nga­yon ng Cobra Energy Drink at FCA sa pagpapa­tuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Gym.

Magkikita ang dalawang koponang nabanggit sa tampok na laro na kung saan pansamantalang solo liderato rin ang mahaha­wakan ng mananalong ko­­ponan.

Ang Ironmen at Cultivators ay kasalo ng Cebuana Lhuillier at Max Bond Super Glue sa unahan sa kani­lang grupo sa 3-1 karta ka­ya’t mahigpitan ang ta­gisan para sa awtomatikong puwesto sa second round ng Knockout Playoffs.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ang Pharex at Freego Jeans na ang nakataya lamang ay pagpapaganda sa kanilang puwesto sa Group A.

Sa format ng liga, ang mangungunang dalawang koponan sa magkabi­lang grupo ang aabante sa quarterfinals habang ang apat na sumunod na koponan ang mauunang maglalaban-laban sa first round knockout playoffs.

Dahil pito ang koponan sa Group B kaya’t may unang playoff muna ang koponang malalagay sa ikapito at anim na puwesto para madetermina ang sa­sama sa number three hanggang five teams.

Hindi magagamit ng Cultivators si Alfred Gerilla na naghahatid ng 11 puntos dahil suspindido ito matapos matawagan ng flagrant foul sa huling laro laban sa Café France.   

vuukle comment

ALFRED GERILLA

ANG IRONMEN

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FREEGO JEANS

GROUP A

GROUP B

KNOCKOUT PLAYOFFS

MAX BOND SUPER GLUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with