^

PSN Palaro

Francisco idedepensa ang titulo vs Thai boxer

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kung hindi na magbabago, sa Hunyo posibleng ma­palaban si Drian “Gintong Kamao” Francisco sa le­hitimong title fight sa WBA super flyweight division.

Ayon sa kanyang promoter na si Elmer Anuran ng Saved by the Bell Promotions, wala nang rason pa para makaatras ang WBA champion na si Huge Fidel Cazares para sa mandatory title fight, la­lo na kung mananalo si Fran­cisco kay Tepparith Sing­wancha ng Thailand sa labang gaga­napin sa Pet­chaburi, Thailand sa Ma­yo 1.

“May offer na kami sa kam­po ni Cazares pero ma­­rami silang rason na ibi­nibigay para hindi matuloy ang laban. Pero kung ma­nalo si Drian sa labang ito, wala na siyang maika­kat­uwiran pa para hindi ito ma­tuloy. Kaya sa tingin ko sa bandang Hunyo ito mang­yayari,” wika ni Anu­ran.

Idedepensa ni Francis­co ang kanyang titulong na­panalunan noong Nob­yembre 30 nang patulugin sa 10th round si Thai boxer Duangpetch Kokietgym na ginanap sa Nong Khai, Thai­land laban kay Sing­wan­cha na mayroong ring re­cord na 15-10-2.

“Kahit saan gawin ang la­ban ay lalaban ako para big­yan ng karangalan ang Pi­lipinas,” wika ni Francisco na mayroong 20 panalo at isang tabla bukod sa 16 KOs.

Dahil sa kahalagahan ng makukuhang panalo, ma­­tindi ang ensayong gina­ga­wa ni Francisco sa pagsusuri ni trainer Benny dela Peña sa Touch Gloves gym sa Agoncillo, Batangas.

Ang 28-anyos tubong Sab­layan, Mindoro Occi­de­ntal ay sumabak na sa 120 rounds ng sparring la­­­ban sa mas malalaking ka­laban upang mapalakas ang resistensya nito.

Makakatiyak naman na hindi basta-basta patatalo si Singwancha na nais na maipaghiganti ang kabiguang sinapit ng kanyang kababayan sa Filipino champion. 

vuukle comment

BELL PROMOTIONS

DRIAN

DUANGPETCH KOKIETGYM

ELMER ANURAN

GINTONG KAMAO

HUGE FIDEL CAZARES

HUNYO

MINDORO OCCI

NONG KHAI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with