Ateneo, La Salle sumuyo sa 2nd place
- Ni Angie Tan () - July 19, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Ateneo ang kahanga-hangang paglalaro na nakita kay Justin Chua upang makamit ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 68-56 tagumpay sa UST sa pagpapatuloy ng 73rd UAAP men’s basketball kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

May career high na 17 puntos at 11 rebounds ang dating bang­ko na si Chua at siyang gu­mawa nang lumayo ang Eagles sa Tigers sa huling yugto at ilista ang ikawalong sunod na panalo sa UST mula noong 2007 season.

May 14 puntos at 6 rebounds si Mico Salva at ang Eagles ay nakapagdomina sa rebounding, 52-38, upang pawiin ang masamang pagbuslo uli sa 3-point arc sa 2 of 17 shooting.

“Justin has a great attitude. He works hard in practice and never complains when he’s not fielded in a game. So I though of giving him his chance,” wika ni coach Normal Black.

Naunang nakalayo ang Tigers sa 27-20 pero humabol ang Eagles sa pagtitiyaga ni Eric Salamat upang idikit ang Eagles, 31-32.

Sa ikatlong yugto kumama­da ang Eagles upang makaangat ng lima, 51-46, bago ikinasa ang 61-52 bentahe nang kumawala sa walong puntos si Chua.

Ito ang unang kabiguan ng Tigers upang malagay sa solo puwesto sa pang-apat na posisyon.

Umangat naman ang La Salle sa pagkasalo sa ikalawang puwesto kasama ang Ateneo at pahingang Adamson nang kani­lang durugin ang UE, 82-63.

Nanumbalik ang magandang depensa ng Archers bukod pa sa kanilang running ga­me para katampukan ang pag­balikwas ng tropa ni Dindo Pumaren buhat sa nakakapan­lumong 55-59 kabiguan sa NU Bulldogs nitong Huwebes.

May 15 puntos si Samuel Ma­rata habang anim na blocks naman ang ibinigay ni Philip Pa­redes para pamunuan ang Archers.

Nasayang naman ang 25 puntos ni Paul Lee dahil nalaglag sa 0-2 karta ang Warriors.

 ATENEO 68 - Chua 17, Salva 14, Monfort 8, Salamat 7, Golla 7, dela Cruz 6, Escueta 5, Long 2, Austria 2 Tiongson 0, Buenafe 0.

UST 56 - Bautista 11, Teng 10, Camus 8, Mariano 7, Fortuna 7, Pe 4, Afuang 4, Marata 2, Aytona 2, Daquiaog 1, Wong 0, Tinte 0, Mamaril 0, Lo 0.

Quarterscores: 15-14; 31-32; 51-46; 68-56.

LA SALLE 82 - Villanueva 16, Marata 15, Paredes 10, Dela Paz 9, Ferdinand 8, Andrada 8, Atkins 7, Tolentino 4, Tampus 3, Webb 2, Elorde 0, Mendoza 0, Vosotros 0.

UE 63 - Lee 25, Zamar 11, Martinez 9, Reyes 5, Acibar 5, Enguio 3, Razon 2, Santos 2, Casajeros 1, Ayala 0, Duran 0, Rosopa 0, Tagarda 0.

Quarterscores: 17-11; 38-31; 66-50; 82-63. 

ATENEO CHUA DELA PAZ DINDO PUMAREN ERIC SALAMAT JUSTIN CHUA LA SALLE MARATA MICO SALVA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with