^

PSN Palaro

Albania handang magtiis para sa tagumpay

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Handang tiisin ni Annie Al­­bania ang kaunti pang nara­ramdaman sa katawan para ma­bigyan ng karangalan ang ban­sa sa gagawing 1st MVP International Boxing Friendship Cup na magsisimula ngayon sa PICC Forum Tent.

Si Albania ay isa sa limang lady boxers ng bansa at patok na mapagharian ang lalaruang 51 kilogram division.

Ito ang lalabas na unang la­ban ng Asian Indoor Games at Laos SEA Games gold medalist sa taong ito dahil hindi siya sumali sa Asian Women’s Boxing Championships sa Kazakhstan dala ng injury sa kaliwang balikat at lower back.

“Sa ngayon ay okey na ang injury ko sa balikat pero may iniinda pa ako sa lower back. Pero lahat ng injury pagdating sa laban ay hindi ko na iniisip iyan. Basta laban lang ako nang laban,” wika ng tubong South Cotabato na boksingera.

Tatlong boxers lamang ang nakaentrada sa paglalaruang dibisyon ni Albania pero ngayon lamang malalaman ang opisyal na bilang sa draw at weigh-in.

Si International Amateur Boxing Association (AIBA) president Dr. Ching Kuo Wu ang si­yang panauhing pandangal sa opening ceremony na itinakda ganap na alas-3 ng hapon.

Makakasama niya sina Asian Boxing Confederation president Chang Jiangping at ASBC executive director Richard Guozheng bukod pa sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANNIE AL

ASIAN BOXING CONFEDERATION

ASIAN INDOOR GAMES

ASIAN WOMEN

BOXING CHAMPIONSHIPS

CHANG JIANGPING

DR. CHING KUO WU

FORUM TENT

INTERNATIONAL BOXING FRIENDSHIP CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with