^

PSN Palaro

Huling puwesto sa quarterfinals nilagok ng Ginebra

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi man isang ‘sco­ring import’ ang kanilang nakuha, kuntento na rin si coach Jong Uichico. Lalo pa at nasikwat nila ang ikatlo at huling outright quarterfinals berth.

Humakot si Chris Da­niels ng 19 points, 19 rebounds, 6 assists, 3 steals at 2 shotblocks para sa 115-88 paglampaso ng Barangay Ginebra sa Rain or Shine sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference ka­hapon sa napunong Ninoy Aquino Stadium.

Ang panalo ang nagtakda sa laban ng Gin Kings at Alaska Aces sa best-of-five quarterfinals series, habang makakatapat naman ng Elasto Painters sa knockout wildcard phase ang Air21 Express.

 “It’s really hard to find a perfect import,” ani Uichico kay Daniels, ang kanilang ikaapat na reinforcement matapos sina Awvee Storey, Ambres Mildon at Denham Brown.

Matapos kunin ang first period, 31-27, pinalobo ng Ginebra, nagmula sa isang three-game losing skid, sa 46-32 ang kanilang lamang sa Rain or Shine, nangga­ling sa isang two-game winning run, sa 7:23 ng second quarter galing sa layup ni Jayjay Helterbrand.

Buhat rito, ipinoste ng Gin Kings ang isang 27-point lead, 80-53, sa 7:44 ng third canto mula sa three-point shot ni Ronald Tubid na lumaki pa sa 32-point advantage, 111-79, sa huling 2:02 ng fourth period galing sa tres ni Mike Cortez.

“It’s been a while since we’ve played this way,” gulat na wika ni Uichico, nakahugot ng 17 marka kay Helterbrand, 14 kay Tubid, tig-13 kina Mark Caguioa at Willie Miller at 12 kay JC Intal.

Pinangunahan naman ni Sol Mercado ang Elasto Painters sa kanyang kinolektang 24 points, 5 boards, 5 assists at 1 steal kasunod ang 17 marka ni dating Ginebra import Rod Nealy at 14 ni Jeff Chan.

 Kasalukuyan pang nag­lalaro ang nagdedepensang San Miguel at Derby Ace habang isinusulat ito kung saan ang mananalo ang magbubulsa sa ikalawa at huling automatic semifinals seat at ang matatalo ang maglalaro sa quarterfinals.

Ang Talk ‘N Text ang unang koponang umangkin sa outright semis ticket.

vuukle comment

ALASKA ACES

AMBRES MILDON

ANG TALK

AWVEE STOREY

BARANGAY GINEBRA

CHRIS DA

DENHAM BROWN

DERBY ACE

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with